Nasawi ang isang pitong taong gulang na bata matapos mahulog sa motorsiklong minamaneho ng mismong ina at magulungan pa ng isang tanker truck sa Barangay Malabanban Norte, Candelaria, Quezon noong Sabado ng alas-6:00 ng umaga.
Sa ulat ng Candelaria police, lumiko umano ang motorsiklo pakaliwa at nabangga ito ng kasalubong na tanker truck.
Sa lakas ng impak, tumalsik ang motorsiklo at nahulog sa kalsada ang bata hanggang sa magulungan ito ng tanker truck.
Dead on the spot agad ang bata habang nagtamo ng minor injuries ang ina ng bata.
Sa ngayon nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng truck at patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.