May 109 residente ng lungsod at karatig bayan sa lalawigan ang nagtapos sa iba’t ibang vocational courses sa ilalim ng proyektong Sanayan sa Kakayahang Industriyal o SKIL ng Pilipinas Shell Foundation Inc. (PSFI) at ng Shell Import Facilities Tabangao (SHIFT) kahapon, December 6.
Ginawaran ng gold medal at certificate ang mga outstanding SKIL scholars na sina Jayson Patal para sa Bundled Training Course, Ian Manalo sa Electrical Installation & Maintenance (1st batch), James Warren Cueto (2nd batch) at si Emmylou de Ocampo sa Housekeeping & Food & Beverage Servicing.
Lubos ang kanyang pasasalamat sa kasanayang ipinagkaloob sa kanya ng PSFI at sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Payo niya sa mga SKIL scholars na magsikap upang maabot ang kanilang mga pangarap. Binigyang diin ni VP for External and Government Relations ng PSPC na si Serge Bernal sa kanyang mensahe na matuto aniya sanang lumingon sa pinanggalingan o mag-give back ang mga graduates at pinayuhan ang mga ito na huwag sayangin ang pagkakataong ipinagkaloob sa kanila