fbpx

4 na taong gulang na babae, binugaw ng sariling ina sa dayuhan

Bagsak sa kulungan ang isang ina matapos mabuko ang ginagawa nitong pambababoy sa sariling apat na taon gulang na anak na babae kamakailan.

Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng report mula sa National Crime Investigation Service (NCIS) ng Norway, na nahuli nila noong Hunyo 28 na isang dayuhan na makipag transaksyon sa babae sa social media.

Nakuha ng otoridad sa dayuhan ang mga malalaswang larawan at video ng batang babae kapalit na salapi.

Sa bisa ng search warrant,  natunton ang bahay ng ina ng bata sa Barangay Suba, Cebu City.

Sa ngayon nahaharap sa patong-patong na kaso ang ina ng bata. Kasalukuyan naman nasa pangangalaga ng DSWD ang batang babae.

About Author