fbpx

Cash for work program patuloy na isinasagawa sa Carmona, Cavite

Isang malaking regalo para sa 39 Persons With Disability (PWD) na kabilang sa Cash for Work Program ang mga benepisyo na kanilang natanggap mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Sabado, Disyembre 3.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Persons With Disabilities Day, pinangunahan ng Persons With Disability Affairs Office ang pamamahagi ng tulong para sa kanilang mga kababayan.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Dahlia Loyola ang kanyang pag-asa na makakatulong ang nasabing programa sa pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang nasasakupang komunidad lalo na ang mga residenteng may kapansanan

About Author