fbpx

Senador Bong Revilla, nais ibaba sa edad 56 ang pagiging senior citizen sa ‘Pinas

Naghain ng panukala si Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na gaing 56 years old na ang pagiging senior citizen upang makamit na agad ang mga kaukulang benepisyo nito.

Sa Senate Bill No. 1573, layon nitong amyendahan ang Republic Act No. 7432, kung saan ang mga senior citizen ng bansa ay nasa 60-years old.

Sinabi ni Revilla, na madami ang hindi pinapalad umabot sa edad na sisenta. Kaya naman habang may oras pa ay bigyang halaga na ang mga ito para makamit ang mga benepisyo.

Kabilang sa mga benepisyong tinatanggap ng isang senior citizen ay 20 percent discount at VAT exemption sa medisina, medical supplies at equipment, pamasahe, hotel, restawran, at marami pang iba.

About Author