fbpx

45-anyos na babae, patay makaraang pagsasaksakin ng kinakasama

Isang 45-anyos na babae ang walang awang pinagsasaksak ng kanyang kinakasama sa loob mismo ng nirerentahan nitong kwarto sa Quezon City dakong alas-11:30 ng gabi nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Nesita Del Castillo, habang ang suspek naman ay si Rene Bigata, alyas Kalbo, 46, driver.

Sa ulat ng otoridad, nagpasya umano ang biktima na makipaghiwalay na sa suspek, na tatlong taon na niyang kinakasama.

Matapos hindi umano matanggap ng suspek ang pakikipaghiwalay nito sa kanya ng biktima ay sinundan niya ito.

Dahil sa mainitang pagtatalo, naganap ang pagpaslang sa biktima kung saan pinagsasaksak nito hanggang sa mawalan nang buhay.

Sa ngayon, sumisigaw ng hustisya ang mga kaanak ng biktima habang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang naturang suspek

About Author