fbpx

12 anyos na dalagita, sinakal at ginahasa ng sariling lolo matapos patayin

Kalunos-lunos ang sinapit na pagkamatay ng isang 12-anyos na dalagita matapos halayin at sakalin ng sariling lolo sa Sibulan Toril, Davao City.

Sa ulat ng pulisya, natagpuang walang saplot at walang buhay sa isang sapa kamakailan ang biktima, ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay.

Wala ang ina ng biktima dahil naghahanap buhay sa ibang bansa. Habang ang ama naman nito ay labis ang paghihinagpis nang malaman na sariling biyenan ang suspek sa pagkamatay ng kanyang anak.

Kinilala ng mga pulisya ang suspek na si Erinio Limocon Ado, 60-taong gulang.

Ang biktima ay kinilala na si Noreen Gay Epal, isang dancer, basketball player, at tiktoker.

Naaresto na ang suspek matapos ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad na nahaharap ngayon sa kasong rape with homicide.

About Author