fbpx

Educational Assistance para sa mga scholars, ipinamahagi

Personal na pinangunahan ni Rizal Governor Nina Ynares ang pamamahagi ng educational assistance sa ilang iskolar mula sa bayan nitong Huwebes, Disyembre 22 sa bayan ng Montalban, Rizal.

Dumalo at nakibahagi rin sa mahalagang aktibidad sina Mayor Ronnie Evangelista, Vice Mayor Edgardo “Umpek” Sison at Konsehal Mark David Acob.

Ayon sa lokal na pamahalaan, higit sa maagang pamasko, ang financial assistance na ito ay para sa karagdagang tulong sa mga gastusing kinahaharap ng mga magulang ng mga Montalbeñong mag-aaral.

Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mayor Ronnie Evangelista sa Gobernadora at pamahalaang panlalawigan para sa patuloy na suportang kanilang ibinibigay sa edukasyon ng mga kabataang Montalbeño

About Author