fbpx

Pag-amoy ng utot, may magandang dulot sa kalusugan

Isa ka ba sa mga may tunog kung umutot pero ‘di naman gaanong mabaho? O isa ka sa mga tahimik kung umutot pero pangmalakasan naman ang amoy? Alin ka man sa dalawa, huwag mag-alala dahil may naitutulong ka naman pala sa mga nakaaamoy nito.

Ang utot kasi ay naglalaman ng hydrogen sulfide, isang component na nagbibigay ng mabahong amoy. Inilalabas ito ng ating mitochondria kapag may problema sa ating cells sa ugat at arteries. Subalit dahil sa pagsasaayos nito, unti-unting namamatay ang ating cells. Kaya naman sa isang pag-aaral sa University of Exeter at University of Texas noong 2014, nagsagawa ang mga eksperto ng compound na tinatawag na AP39, isang compound na gaya ng hydrogen sulfide.

Lumalabas sa kanilang pagsusuri na epektibo ang AP39 para protektahan ang mitochondria. Bagamat ito’y dumaan pa lamang sa animal clinical trial, natuklasang mainam itong panglaban sa heart attack at stroke. Nakapagpapababa rin ito ng blood pressure at prumoprotekta sa ating utak. Sa isang pag-aaral pa nga noong 2016, lumalabas na mabisa rin ito upang makaiwas sa pagkakaroon ng alzheimer’s at dementia.

Sa bisa ng mga pag-aaral ng mga eksperto, pinagtitibay lamang na ang hydrogen sulfide, ang compound na matatagpuan sa utot ay  nakatutulong upang protektahan at mapahaba ang buhay ng ating mga cells, na mahalaga upang mapanatiling malakas ang ating katawan laban sa mga nakaambang sakit. ANANEA JUVIGAIL OCFEMIA, Intern

About Author