fbpx

Apat na lalaki, arestado sa Rizal matapos mang-scam gamit ang facebook account ng ibang tao

Handcuffs used during arrest of Unabomber

Apat na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad sa isang entrapment operation makaraang budolin ang mga kaibigan at kaanak ng isang biktima sa Binangonan, Rizal nitong Lunes dakong alas-8:00 ng gabi.

Batay sa ulat ng pulisya, naghanap ang biktimang si Joy Bencito ng taong maaring makatulong sa social media nya para maayos at nakalapit ito sa isa sa mga suspek.

Hindi alam ng biktima na isa palang scammer at ito rin pala ang magha-hack ng kanyang profile.

Nang ma-access ng suspek ang socmed account ng biktima, nagpadala ito ng mensahe sa mga kaanak at kaibigan gamit ang pangalan nito kung saan idinadaing umano na may sakit ang kanyang anak.

Isa sa mga na-scam ng suspek ang tenant ng biktima na nagpadala umano ng P20,000 sa hacker.

Nang kausapin ng biktima ang hacker ay nanghingi ito ng P5,000 para matubos ang kanyang account. Dito na humingi ng tulong ang biktima sa mga otoridad. Agad nadakip hindi lamang ang taong nilapitan ng biktima kundi ang mga kasamahan nitong hacker.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga naarestong suspek.

About Author