fbpx

2 vlogger, arestado makaraang magkunwaring ininom ang biniling gasolina sa gasoline station

Dalawang vloggers ang inaresto makaraang i-prank ang attendant ng isang gasoline station sa Mawab, Davao De Oro

Inaresto ng pulisya si Jonel C. Cordero at kaniyang kasabwat na si Arnold O. Rabi matapos magdulot ng pagkaalarma sa mga empleyado ng gas station ang ginawa nilang pag-prank para sa kaniyang vlog content.

Ayon sa ulat, bumili ang mga akusado sa gasolinahan ng P10 halaga ng gasolina at ipinasalin ito sa bote ng softdrinks at nagkunwari ininom ang laman ng bote at saka nagpanggap na nahihilo.

Mabilis na nireport ng staff ng gasolihan sa MDRRMO para mabigyan ng first aid subalit pangloloko lang ginawa ng mga akusado.

Sa ngayon, nahaharap ang dalawa sa kasong ‘alarm and scandal’ sa ilalim ng Article 155 ng Revised Penal Code.

About Author