fbpx

COLD STORAGE FACILITIES PARA SA SIBUYAS ITATAYO NG DA

Nakatakdang magtayo ng anim na cold storage facilities sa mga lugar sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Mimaropa na nagsu-suplay ng sibuyas sa buong bansa ang Department of Agriculture.

Sa naturang pahayag, nagkakahalaga ng 40 milyong piso ang bawat pasilidad kung saan may kakayahang makapag-imbak ng 20,000 sako ng sibuyas.

Ito ay bahagi ng patuloy na hakbang ng pamahalaan para mapabuti ang lokal na produksyon ng sibuyas sa bansa

About Author