fbpx

2 Batangueño, nag-uwi ng medalya sa magkahiwalay na kompetisyon mula sa bansang Thailand at Singapore

Karangalan sa bansa ang pasalubong ng dalawang kabataang Batangueño makaraang makasungkit ng medalya sa magkahiwalay na International competition na idinaos sa mga bansang Thailand at Singapore.

Nag-uwi ng Bronze medal ang isang 10-anyos na Grade 4 student ng Stonyhurst Southville International School na si Sean Raffaele Plata, mula sa lungsod ng Batangas kung saan isa sa mga representatives ng Team Philippines.

Nasungkit ni Plata ang naturang medalya sa 2022 International VANDA Science Competition na ginanap sa bansang Singapore noong December 3-6, 2022 na nilahukan ng higit 30 bansa na kinabibilangan ng mahigit 2,000 participants.

Photo | Rhyo Lincoln Sunico

Samantala, naiuwi rin ng Grade 3 student na si Rhyo Lincoln Sunico, ang Bronze medal sa katatapos lamang na World International Mathematical Olympiad (WIMO) nito lang January 7-8, 2023 sa Bangkok, Thailand.

Nilahukan naman ng nasa mahigit 2,600 na estudyante mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang naturang kompetisyon. | JAY Pamintuan

Panoorin ang full interview kasama si Rhyo sa Good Morning Batangas: https://www.facebook.com/balisongchannel/videos/3369267093328611

Panoorin ang interview kasama si Sean sa Good Morning Batangas: https://www.facebook.com/balisongchannel/videos/1357567525065621

About Author