Pasok ang sikat na breakfast meal ng Pinoy na Hotsilog sa listahan ng 2023 “100 Worst Rated Food in the World” ayon sa online food guide na Taste Atlas.
Sa inilabas na ulat, nasa ika-36 na pwesto na may 2.6 score ang Hotsilog, habang nasa ika-17 pwesto ang kinalas na may 2.4 na ranking.
Inilarawan ang Hotsilog bilang Filipino-style hotdog na “pula at makatas, kadalasang may hiwa sa gilid” na ipinapares sa sinangag, at fried egg.
Ang kinalas, ay isang noodle soup mula sa rehiyon ng Bicol, na inilarawang “shrimpy, garlicky brown gravy consisting of dried shrimps, vinegar, garlic, shallots, soy sauce, and fish sauce.
Nakasama rin sa kumpletong listahan ng worst-rated dishes in the world ng Taste Atlas ang Pinoy-style spaghetti at balut.