fbpx

PASTOR, PATAY MATAPOS TULARAN SI JESUS CHRIST SA HINDI PAGKAIN, PAG-INOM NG 40 DAYS

Nasawi ang isang pastor sa Mozambique matapos nito tularan ang pag-aayuno ni Hesu Kristo ng 40 na araw sa Bibliya.

Isinugod sa isang hospital ng Beira ang pastor na kinilalang Francisco Barajah, founder ng Santa Trindade Evangelical Church, habang nasa kritikal na kondisyon ang kaniyang lagay kung saan ito binawian ng buhay.

Ayon sa BBC News, nabawasan ito ng timbang hanggang sa hindi na ito makatayo sa ika-25th na araw.
Sinasabi na ang pastor ay na-dianose ng acute anemia at pagkabigo ng kanyang digestive organs.


Sinikap man ng mga dockor na i-rehydrate ang naturang pastor gamit ng mga serums at pakainin ito ng mga liquid foods, bigo nila isalba ang buhay ng pastor at tuluyang nalagutan ng hininga noong Miyerkules.

Bagaman pinatotohanan ng katapid na nag-anuyo ang nasabing pastor, hinamon nito ang diagnosis ukol sa kanyang pagkamatay.


“Ang katotohanan ay namatay ang aking kapatid dahil sa low-blood pressure,” saad ng kapatid.
Matatandaan hindi ito ang kauna-unang kasong may nasawi dahil sa pag-aayuno, gaya ng inilarawan sa Ebanghelyo ni Mateo.


Noong 2015, isang taga-Zimbabwe ang namatay pagkatapos ng 30 araw ng simulan nito mag-ayuno. Noong 2006 namana, natuklasang patay ang isang British coroner na isang babae habang nasa kalagitnaan ito ng nasabing gawain sa London. | via L.Bermudez intern

About Author