fbpx

Stephen Curry, Hindi Pa Makakalaro Dahil sa Knee at Leg Injuries

Creator: John Hefti | Credit: John Hefti-USA TODAY Sports
Copyright: John Hefti

Ang pagbabalik sa laro ng Golden State Warriors star Stephen Curry ay hindi pa rin sigurado ayon sa pahayag na inilabas ng NBA team nitong Miyerkules, Pebrero 22.

Bagamat sinabi na nagpapakita ng magandang progreso sa kanyang pag galing mula sa kanyang left knee at leg injuries, inaasahan na hindi pa siya makakalaro sa loob ng isa pang linggo bago siya muling i-evaluate. Ibig sabihin, hindi siya makakasama sa apat na susunod na laro ng Warriors.

Nangyari ang injury ni Curry noong Pebrero 4 sa isang laro laban sa Dallas Mavericks, kung saan siya ay nagkaroon ng partial tears sa kanyang knee ligaments at membranes, at lower leg contusion.

Mula noon, siya ay absent sa limang laro bago ang All-Star break, at ngayon ay kailangan magpahinga pa ng ilang araw.

Napansin ang kawalan ni Curry sa Warriors, na kasalukuyang nasa ika siyam na pwesto sa Western Conference sa 29-29 na record. Gayunpaman, sila ay naghahabol lamang ng 2.5 na laro sa likod ng Los Angeles Clippers para sa pang-apat na seed sa West.

Si Curry ay mahalagang bahagi ng tagumpay ng Warriors, at kapag siya ay nakapag laro, siya ay may average na 29.4 points, 6.4 assists, at 6.3 rebounds kada laro.

Hindi ito ang unang pagkakataon na si Curry ay hindi nakapag laro sa season na ito dahil sa injury. Noong Disyembre hanggang Enero, siya ay absent ng labing-isang sunod na laro dahil sa isang left shoulder injury.

Gayunpaman, nananatili ang Warriors at umaasa na si Curry ay gagaling at babalik sa laro sa lalong madaling panahon. | JL.Reglos intern

About Author