fbpx

MILYONG HALAGA NG SHABU, ISINILID SA MGA BUTONES; NAKUMPISKA

Aabot sa P5.7 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark matapos isilid sa mga butones ng damit.

Sa ulat, idineklarang “dress” ang laman ng kargamento na dumating sa Port of Clark galing sa bansang Zimbabwe.

Nang magsagawa ng physical examinations sa naturang port ay tumambad ang mga hinihinalang shabu na itinago sa loob ng 255 na mga butones.

Sa pagsusuri naman ng PDEA ay nakumpirmang shabu ang laman ng kargamento.

Agad na nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention ang awtoridad sa kargamento dahil sa paglabag sa R.A. No. 10863.

About Author