
Nagsimula na nitong Lunes, February 2, ang enlistment process para sa mandatory military service ng k-pop idol na si J-Hope, isa sa mga miyembro ng South Korean supergroup na BTS.
Ayon sa record label ng BTS na Big Hit Music, nitong nagdaang Linggo lamang ospiyal na nag-enlist ang bente-nwebe-anyos na si J-Hope, o sa kaniyang tunay na pangalan, Jung Ho-seok.

Matapos ang pag-anunsyo ng nasabing enlistment, nagpahatid naman ng mensahe ang management na sana’y tuloy-tuloy pa din ang suporta para kay J-Hope hanggang matapos at ligtas na makabalik ito galing military service.
Si J-Hope ang pangalawang miyembro ng BTS sasailalim sa mandatory military service, pagkatapos ng isa pa nitong miyembro na si Jin. | J.Laydia intern