fbpx

ISANG CHINESE LABORATORY SA WUHAN, PINAGHIHINALAAN NG FBI BILANG SANHI NG PANDEMYA

Pinuntohan ng Federal Bureau of Investigation o FBI ang maaring pagtagas ng isang laboratoryo na matatagpuan sa Wuhan City, China, kung saan pinaghihinalaan itong nagdulot ng COVID pandemic, batay sa pahayag ni director Christopher Wray noong Martes.

people inside a bus wearing masks
Photo by zydeaosika on Pexels.com

Ayon sa kanyang salaysay, matagal na umanong nasuri ng FBI ang posibildad na ang pinagmulan ng pandemya ay sanhi ng isang insidente sa laboratoryo ng naturang lugar.

Ito ay kasunod ng ulat mula sa Wall Street Journal patungkol sa maaring pagtagas noong Linggo, na pinamulaan naman ng U.S. Energy Department na may mababang posibilidad.

Medical technicians process specimens at a COVID-19
Medical technicians process specimens at a COVID-19 by Sergeant Matt Hecht is licensed under CC-CC0 1.0

Rason pa ng apat na iba pang ahensya, kasama ang isang national intelligence panel, hinuhusgahan pa rin ng kanilang mga departamento na resulta ang pandemiya ng “natural transmission”, habang dalawa ay wala pang desisyon sa ngayon.

Dagdag ng White House national security spokesman John Kirby nitong Lunes, ang gobyerno ng US ay wala pang tiyak na konklusyon o pinagkakasunduan ukol sa pinagmulan ng pandemya.

Matatandaan unang naitala ang Virus sa Wuhan noong Disyembre 2019 bago kumalat sa buong mundo at pumatay ng halos 7 milyong katao. | L.Bermudez intern

About Author