Napagkasunduan ng U.S. House Foreign Affairs Committee bigyan si US President Joe Biden ng kapangyarihan ipagbawal ang popular mobile app, TikTok, na pag-aari ng ByteDance nito lamang Miyerkules.
Nahati ang ginawang pagboto sa 24-16, pabor sa panukalang bigyan ang administrasyon ng kapangyarihan ipagbawal ang naturang app, na itinalang ginagamit ng mahigit 100 milyong katao sa US, kasama ang iba pang mobile apps na maaring magdulot ng security risks.
“TikTok is a modern-day Trojan horse of the CCP [Chinese Communist Party] used to surveil and exploit Americans’ personal information,” pahayag ni Representative Michael McCaul, ang Republican chair ng komite na nag-sponsor ng bill.
Ayon pa sa representative, “Anyone with TikTok downloaded on their device has given the CCP [Chinese Communist Party] permission and a back door to all their personal information. In other words, it’s a spy balloon in your phone.”
Matatandaan pinaputukan kamakailan ng isang US fighter jet ang pinaghihinalaang Chinese spy balloon sa baybayin ng South Carolina.
Samantala, tinutulan ng mga demokratiko ang panukalang batas. Rason umano na minadali ang batas at nangangailangan ng karagdagang pag-usisa sa pamamagitan ng debate at konsultasyon sa mga eksperto. | L.Bermudez intern