fbpx

Philippine Chambers of Commerce and Industry Lipa Region IV-A, muling nagsagawa ng pagpupulong

Nagsagawa muli ng 3rd General Member Meeting (GMM) ang Philippine Chambers of Commerce and Industry Lipa Region IV-A nitong Biyernes ng Marso 10, 2023 na ginanap sa Cafe de Lipa, sa Lipa City, Batangas.

Chairman Joe Mercado

Sa nasabing pulong ay tinalakay ni Chairman Joe Mercado (Agriculture) ang mga kahalagahan ng pagnenegosyo at pagtatanim ng punong kape sa bansa lalo’t kinikilala ang lalawigan ng Batangas dahil sa “kapeng barako” nito.

Sa kabilang dako, tinalakay naman ni Dr. Karl Joseph D. Sanmocte ng Regional Head for Southern Luzon Anti Red Tape Authority (ARTA) ang importansiya at kaalaman ng Section 17 Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Dinaluhan naman ng mga miyembro at officials ng PCCI Lipa, ang naturang pulong kung saan nagsagawa pa ng ‘coffee cupping’ at tinalakay ang pagkakaiba na mga makinarya ng kape sa Cafe de Lipa. | Jay Pamintuan

About Author