fbpx

OUTING, NAUWI SA TRAHEDYA SA BATANGAS; 1 PATAY, 2 SUGATAN

crime scene do not cross signage

Nauwi sa trahedya ang isang outing ng tatlong lalaki sa San Jose, Batangas matapos bumangga sa puno ang kanilang sinasakyan nitong Linggo, Marso 12.

Kinilala ang driver ng sasakyan na si Rondel Mapalad, 23 taong gulang; at mga pasahero nito na sina Christian Dela Vega, 26 anyos, at John Vincent Japor, 21 anyos; mga residente ng Brgy. Lapo-Lapo, San Jose, Batangas.

Ayon sa mga awtoridad, dakong alas-3 ng umaga, pauwi na ang mga lalaki sa outing nang dumaan ang mga ito sa isang curve portion ng karsada at tuluyang sumalpok sa isang puno.

Naitakbo pa sa ospital ang lahat ng sakay ng kotse, pero idineklara dead on arrival ang drayber habang sugatan ang dalawang pasahero. | J.Laydia intern

About Author