
Pinahintulutan na ng Bureau of Internal Revenue ang paghahain at pagbabayad ng 2022 annual income tax return (AITR) kahit saan upang mapalawak ang mga serbisyo.
Naging posible ito sa paglabas ng Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 32-2-2023, na nagpapahintulot sa mga nagbabayad ng buwis na bayaran ang kanilang mga dapat bayaran saan man o bago ang Abril 17, 2023, nang walang mga parusang ipapataw para sa maling pag-file ng lugar.
Ayon sa BIR, na ang mga nagbabayad ng buwis na kailangang gumamit ng Electronic Filing and Payment System (eFPS) ng BIR ay dapat mag-file ng kanilang AITRs sa elektronikong paraan at magbayad ng tamang buwis sa pamamagitan ng eFPS-Authorized Agent Banks (AABs) kung saan sila naka-enroll.
Kung ang pag-file ay hindi maaaring gawin sa pamamagitan ng eFPS, dahil sa mga kadahilanang nabanggit sa circular, dapat gamitin ng mga nagbabayad ng buwis ang eBIRFforms sa pag-file.
Samantala, ang pagbabayad ng mga buwis na dapat bayaran para sa electronically filed returns sa pamamagitan ng eBIRFforms ay maaaring gawin sa pamamagitan ng alinmang Authorized Agent Banks, Revenue Collection Officers (RCOs) sa bawat Revenue District Offices (RDOs) o sa pamamagitan ng iba’t ibang Electronic Payment (ePayment) channels ng BIR.
Ayon sa BIR, na dapat iwasan ng publiko ang paggamit ng “ghost receipts” sa kanilang mga paghahain. Ang mga Certified Public Accountants na kasangkot sa gawaing ito ay maaaring bawiin ang kanilang lisensya at pagkakulong. | Juan Paolo M. Reyes intern