fbpx

LALAKI, ARESTADO SA  BUY BUST OPERATION SA BALAYAN, BATANGAS

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Caloocan Balayan, Batangas

Nakilala ng Balayan MPS ang suspek na si Rodelito Quiambao, 42-anyos, at residente ng Barangay Lanatan Balayan, Batangas. 

Batay sa imbestigasyon, aabot sa dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha sa suspek.

Bukod dito, nakumpiska rin sa kanya ang P500 bill na ginamit bilang buy bust money, isang coin purse at cellphone. 

Sa ngayon ay nasa kustudiya ng Balayan MPS ang naturang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive of Dangerous Drugs Act of 2002. | M.K. Ilagan intern

About Author