Naging digmaan ang kinalabasan ng laro ng parehas na kupunan ang defending champ Brgy. Ginebra kontra sa kabilang kupunan ang San Miguel Beermen. Makapigil hininga ang laro na kung saan nagtabla ang score sa huling 13.6 seconds na 85-85.
Pinangunahan ng best import Justin Brownlee ang kanilang kupunan sa huling segundo na kung saan nakagawa ng huling puntos katulong ang big man na si Christian Standhardinger na syang naging resulta ng pagkapanalo kontra SMB na may dalawang kalamanagan na puntos na umabot sa score na 85-87.
Halos umapaw ang Coliseum sa dami ng mga tagasuporta ng magkabilang kupunan lalo na ang Brgy. Ginebra.
Ayon sa coach ng Ginebra Tim Cone, nagpapasalamat siya sa mga Ginebra fans na kahit sigaw lang, malaking tulong ito sa kupunan para buhayin ang laro ng defending champ.
Sa ngayon, naghahanda na ang Brgy Ginebra Never Say Die sa darating na championship game na kung saan makakaharap nila ang sinong mananalo sa kupunang MERALCO BOLTS laban sa TNT. | Evan Joe intern | One Sports/PBA/Pinas