fbpx

TRUCK DRIVER, TIMBOG SA IKINASANG ANTI-ILLEGAL DRUG BUY BUST OPS SA LIPA CITY BATANGAS

Huli sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ang isang 42 anyos na tsuper ng truck sa  Brgy. Bolbok, Lipa City, Batangas

Ang naaresto ay kinilalang si Herbert Paran alyas “Betong” , na residente ng Brgy. Lodlod, Lipa City, Batangas.

Tagumpay na nahuli ang suspek sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Drug Enforcement Unit at ang pakikipag koordinasyon na rin ng mga ito sa PDEA.

Ang suspek ay naaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga, partikular ang 1 pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu.

 Nakuha rin sa suspek ang pera na siyang ginamit sa transaksiyon.

Dagdag pa rito, habang isinagawa ang frisking o bodily search kay alyas Betong, nakuha rin sa kanya ang isa pang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng white crystalline substance na hinihinalang shabu.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek  at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”. | M.K Ilagan intern

About Author