Sugatan ang isang lalaki matapos na saksakin ng kanyang kainuman sa Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas, kaninang/noong Huwebes, Abril 13.
Nakilala ang biktima na si Niño Andaya, 27 anyos, isang residente ng Brgy. Talaibon ng naturang lungsod. Kinilala naman ang suspek sa pangalang Melandro Arcueza alias “Milan,” isang tricycle driver at residente ng nasabing lugar.
Batay sa report ng Ibaan Police, pasado alas-2:35 nang madaling araw nang makatanggap ng tawag ang Ibaan Municipal Police Station mula sa isang concerned citizen upang ipaalam ang naturang pangyayari.
Lumabas sa imbestigasyon, bandang alas-2:15 nang madaling araw nang magkainitan ang biktima at ang suspek habang ito’y nag iinuman na nag resulta sa pananaksak nito sa tiyan ng biktima.
Agad na sinugod ang biktima sa Queen Mary Hospital, Ibaan, Batangas.
Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang imbestigasyon at paghahanap sa suspek ng mga awtoridad sa naturang insidente. | Juan Paolo M. Reyes, BChannel News