Arestado ang isang manager matapos umano nitong tangayin ang pinag bentahan ng isang restaurant na kanyang pinag tatrabahuhan sa Brgy. Poblacion D, Rosario, Batangas.
Nakilala ng Rosario Municipal Police Station ang suspek na Kent Harvey Reyes, 20-anyos at residente ng Brgy. Lumbangan, Rosario, Batangas
Batay sa imbestigasyon, personal na nag tungo ang may-ari ng shop sa police station upang ireport ang suspek dahil hindi umano nito niremita ang pinagbentahan nila.
Aabot naman sa P22, 000 ang nawalang pera sa biktima.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek at mahaharap sa kasong theft. | M.K Ilagan, BChannel News