fbpx

GLADYS REYES THANKFUL SA ASAWA NA SI CHRISTOPHER ROXAS; 30 YEARS AND STILL IN LOVE

Nanalong Best Actress in a leading role si Gladys Reyes sa Metro Manila Film Festival.

Ngunit mas binigyang pansin nito ang kanyang asawa sa patuloy na pagmamahal na binibigay ni Christopher sa kanya at sa kanilang apat na anak.

β€œAng totoong napanalunan ko sa buhay! Asawang nagmamahal sa lahat ng panahon at pagkakataon.

Pag-uwi ko kagabi, sa kanya ko unang inabot ang award ko, kung di sa malawak nyang pang-unawa na kailangan ko magshoot ng ilang araw sa Pampanga bka di ko nagawa ang Apag. Yung pag- intindi na gusto ko talaga ang pag-arte mula bata ako at kahit kelan di nya ko pinigilan sa pangarap ko.

Salamat bebe sa matvagang pagsuporta kahit minsan napipilitan ka lang dahil mas masaya kang magmasid ng tahimik sa malayo dahil mas nakikita mo ang kabuuan ng kaganapan.

Mahal kita Mr. Sommereux @christopherroxas 30 years ago hanggang ngayon kasama ng apat nating mga anak. Salamat sa inspirasyon.” saad nito sa caption. | M.J Levita, BChannel News | πŸ“· iamglaydsreyes / IG

About Author