Arestado ang isang security guard nitong Miyerkukes, Abril 12, 2023 matapos akusahan ng child abuse.
Kinilala ang akusado na si Raymond Visto,32 anyos, at residente ng Sitio Panain, Barangay Butucan, Nasugbu Batangas.
Nagmula ang desisyon kay Hon. Judge Wilhelmina B. Go-Santiago ng Regional Trial Court ng Fourth Judicial Region Branch 14 ng Nasugbu,Batangas dahilan upang masakote ang naturang suspek na inirereklamo ng Child Abuse.
Kaugnay ng desisyon, nagbigay naman ng bail ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na nagkakahalaga ng 80,000 pesos.
Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 7610 | John Jonel Samarita, BChannel News intern