Himas rehas ngayon ang isang babae matapos itong magnakaw sa mga customer ng magkaibang ukayan sa Batangas City.
Kinilala ng Batangas City Police Station ang suspek na si Lilibeth Gianan, 45-anyos, tubong Lucban, Quezon at residente ng Brgy. Calicanto, Batangas City.
Batay sa imbestigasyon habang nasa ukayan ang unang biktima ay ninakawan siya ng suspek ng cellphone na nagkakahalagang P7000.
Matapos ang pagnanakaw sa unang store, lumipat naman ang suspek sa kalapit na ukayan at doon naman siya nakapambiktima.
Ninakaw sa pangalawang biktima ang kanyang wallet na naglalaman ng ID at cash na aabot sa P2,200.
Sa ngayon ay nasa Temporary Custodial Facility na ng Batangas City ang suspek at possibleng mahaharap sa kasong theft. | M.K.Ilagan, BChannel News | Photo: PNA