fbpx

ISANG LALAKI ANG NAGTANGKANG PATAYIN ANG ISANG KARPENTERO SA TANAUAN CITY, BATANGAS

Tinangka ng isang lalaki na patayin ang isang karpintero sa Barangay San Jose, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ng Tanauan City Police Station ang suspek na Gregorio Barrion, alias “Gorio”, 55-anyos, residente ng nasabing lugar, at ang biktima na si Ian Rivera, 33-anyos, tubong Capalonga, Camarines Norte at nakatira sa Barangay San Jose, Tanauan City, Batangas.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagtratrabaho ang biktima nang biglang dumating ang suspek.

Doon sinigawan at pinagbantaan na papatayin ito ng suspek na walang kadahi-dahilan.

Pagkatapos, biglang sumulpot ang suspek sa harap ng biktima na may dalang patalim at doon inatake ni Gorio si Rivera.

Sa kabutihang-palad, naka iwas naman ang biktima at naka takbo upang makahingi ng tulong.

Sa ngayon ay patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa naturang suspek. | M.J Levita, BChannel News

About Author