fbpx

LALAKI, ARESTADO DAHIL SA ILLEGAL NA PAGSUSUGAL SA TAYSAN, BATANGAS

Arestado ang isang lalaki dahil sa pagsusugal sa Barangay Bilogo, Taysan, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Tolentino, 21-anyos, STL collector, residente ng naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa ng operasyon laban sa lahat ng uri ng illegal gambling ang Taysan Municipal Police Station.

Naaktuhan naman ang suspek na nangongolekta ng bets ng walang STL ID.

Narekober naman ang dalawang piraso ng STL collections forms, isang black ballpen at cash money na nagkakahalagang 140 pesos.

Dinala naman ang suspek sa Taysan MPS at kakaharapin nito ang kasong paglabag sa R.A 9287 o Illegal Gambling. | C. Hernandez

About Author