Arestado sa isang lalaki matapos magnakaw sa isang na grocery store sa Brgy. 6, Lipa City, Batangas
Kinilala ng Lipa City Police Station ang suspek na si Roderick Arasola, 25-anyos, at residente ng Brgy. Tipacan, Lipa City
Ayon sa imbestigasyon, natagpuan ang ninakaw na pera na nagkakahalaga ng Php 106,811.00 at nakuha ito sa ilalim ng scrap plywood sa likod ng bakanteng bahagi ng nasabing establishment habang ang iba pang ninakaw na pera na nagkakahalagang Php 108,626 ay natagpuang nakapasok sa tubo sa likod ng establishment.
Aabot sa Php 215,437.00. ang kabuuang halaga na ninakaw ng suspek.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at mahaharap sa kasong theft. | MK Ilagan