fbpx

LALAKI, ARESTADO SA TINGLOY, BATANGAS DAHIL SA ILLEGAL NA JUETENG

close up shot of an arrested person with handcuffs

Himas rehas ngayon ang isang 19- anyos na lalaki matapos itong maaresto dahil sa pagpapataya ng jueteng.

Kinilala ng Tingloy Municipal Police Station ang suspek na si Christian Josh Hadap at residente ng Brgy. 14 Tingloy, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa ng operasyon ang Tingloy MPS laban sa mga illegal na pagsusugal at doon ay naaresto ang suspek habang ito’y nangongolekta ng mga taya.

Narekober naman sa suspek ang isang lastillas, ballpen at bet money nagkakahalagang ₱56.00.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga police ang suspek at mahaharap sa kasong Violation of RA 9287.| MK Ilagan, BChannel News

About Author