Arestado ang 3 construction worker matapos na maaktuhang nagsusugal ng mga awtoridad noong Miyerkules, Mayo 4, dakong alas-3:50 ng hapon sa Brgy. Soloc, Lobo, Batangas.
Kinilala ng Lobo MPS ang mga suspek na sina Jerome Vicentico, Chito Blusa at Joel Candilario na pawang nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Soloc, Lobo, Batangas.
Agad na dinakip ang mga suspek matapos silang maaktuhan ng kapulisan na naglalaro ng “Pusoy” na naging mitsa ng kanilang pagkakaaresto.
Nakumpiska sa lugar ang 1 set ng playing cards at cash bet money na nagkakahalaga sa 1,139.00 pesos.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o ‘Illegal Gambling’ at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lobo MPS. | J.P. M. Reyes, BChannel News