fbpx

LALAKI, ARESTADO SA TANAUAN CITY, BATANGAS DAHIL SA ILLEGAL NA ‘JUETENG’

close up shot of an arrested person with handcuffs

Kalaboso ang isang 38-anyos na lalaki matapos itong maaresto dahil sa pagpapataya ng illegal na jueteng nitong Huwebes, Mayo 25, dakong alas 6:57 ng umaga.

Agad naman kinilala ng pulisya ang suspek na si Rodoric Carandang, residente ng Baranggay Santor, Tanauan City, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa ng operasyon ang Tanauan CPS kontra sa mga illegal na pagsusugal, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Narekober naman sa suspek ang isang STL collection report form, ballpen, lastillas, perang nagkakahalaga ng P437.00 at isang back pack bag.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga pulisya ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso. | J.A. Lapig, BChannel News intern

About Author