Arestado ang 4 na lalaki matapos na maaktuhang nagsusugal ng mga awtoridad noong Miyerkules, Mayo 4, dakong alas-9:45 ng gabi sa Brgy. Quiling, Talisay, Batangas.
Kinilala ng Talisay MPS ang mga suspek na sina Marvin DOCTORA, Nito SUAREZ, Henry PORNEA at Alexander CACAO na pawang nasa hustong gulang at residente ng magkakahiwalay na barangay ng Talisay, Batangas.
Base sa imbestigasyon, nakatanggap umano ng impormasyon ang Talisay MPS mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) na may nagaganap ng illegal gambling sa isang bahay.
Agad na dinakip ang mga suspek matapos silang maaktuhan ng kapulisan na naglalaro ng ‘Playing Dice’ na naging mitsa ng kanilang pagkakaaresto.
Nakumpiska sa lugar ang 5 piraso ng Playing Dice at cash bet money na nagkakahalaga sa 2,370 pesos.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o ‘Illegal Gambling’ at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Talisay MPS. | J.P M. Reyes, BChannel News