fbpx

LALAKI, PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO SA BATANGAS

Dead-on-arrival sa ospital ang 25-anyos na lalaki matapos itong maaksidente sakay sa kanyang motorsiklo sa Barangay Mabalanoy, San Juan Batangas ngayong araw ng Sabado, Mayo 27, dakong alas-12:45 ng umaga.

Agad namang kinilala ng pulisya ang biktima na si Romano Obligar Jr., at residente ng Barangay Mabalanoy, San Juan, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng San Juan MPS, nasa impluwensya umano ng alak ang biktima nang umalis ito sa bahay matapos makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.

Batay pa sa report ng pulisya, natagpuan na lamang ang katawan ni Romanao na nakahandusay malapit sa isang konkretong bakod sa Barangay Mabalanoy Elementary School.

Nadala pa ang biktima sa San Juan, District Hospital, ngunit ito ay idineklarang dead on arrival.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente habang isasailalim naman ang bangkay ng biktima sa autopsy. | J.Lapig, BChannel intern

About Author