Isang lalaki ang nasawi matapos malunod sa isang beach resort sa Barangay Luyuhan Seashore Lian, Batangas nito lamang Sabado.
Nakilala ang biktima na si Jesus Maestre, 55-taong gulang at residente ng Brgy. San Fatima, Dasmariñas, Cavite.
Batay sa report ng police, bandang alas 11:00 ng umaga, dumating sa isang beach resort ang isang grupo kasama ang biktima para sa isang outing ng mga kaibigan at kaanak nito.
Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian, ang biktima ay lumangoy sa dalampasigan ngunit dahil sa malakas na agos ng alon ay lumubog ang biktima at nawala.
Dakong alas 5:00 ng hapon, narekober ang bangkay ng biktima.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. | BCN intern