
Muling aarangkada ang Milo Marathon Batangas sa pangunguna ni Mr. Carlo Menorca Sampan (Milo Head of Sports) na gaganapin sa Plaza, Mabini; 47 Rizal Ave, Poblacion, Batangas ngayong darating na Linggo, June 11, 2023.

Sa gaganaping National Milo Marathon ay mayroong apat na kategorya ito ay ang 3k, 5k, 10k at 21k.
Inaasahan naman na dadagsain ito ng mga makikilahok hindi lamang ng mga Batangueno kundi mula rin sa iba’t bang lugar sa bansa.

Hindi lamang umano marathon ang dapat abangan dahil may nakahanda ring cheerleading competition at iba pang masasayang activities na tiyak mas ma e-energize ang lahat.
Payo naman ni Mr. Carlo Menorca Sampan, ay pumunta ng mas maaga bago ang itinakdang oras ng programa para makaiwas sa matinding dagsa ng tao.

Para naman sa mga hindi makakadalo ‘wag mag-alala dahil mayroon din sila virtual marathon sa pamamagitan ng AI Filter sa pag re-register online.
Sinisigurado naman umano nila ang kaligtasan ng lahat ng participants at iba pang makikilahok sa naturang programa.

Lubos naman na nagpapasalamat ang buong pamunuan ng Milo Sports sa pangunguna Mr. Carlo Sampan para sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Batangueno maging sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Batangas.
Bukas pa rin ang pagpaparehistro para sa mga piling kategorya ng karera sa bit.ly/milomarathonbatangas at magagamit ang onsite registration hanggang ngayong Hunyo 10 (Sabado). | J.Samarita/J.Lapig, BChannel News