fbpx

BABAE, ARESTADO DAHIL SA PAG-OOPERATE NG ILEGAL NA PASUGALAN SA SAN PASCUAL, BATANGAS

Arestado ang isang ginang dahil sa ilegal na pag-ooperate ng isang color game sa Brgy. San Antonio, San Pascual, Batangas nitong Martes, Hunyo 13 bandang alas-8:35 ng gabi.

Kinilala ng San Pascual MPS ang naarestong suspek na si Helen Marasigan, 45 anyos at residente ng naturang barangay.

Sa isinigawang anti-illegal gambling operation ng mga awtoridad ay huli pa sa akto ang naturang suspek habang nag-ooperate ito ng isang color-game na walang permit o authority to operate.

Nakulambat mula sa suspek ang isang set ng color-game paraphernalia at bet money na nagkakahalaga ng Php 230.00.

Sa ngayon, ay nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602. | J.J Samarita, BChannel News

About Author