fbpx

DALAWA, SUGATAN MATAPOS MAHIT-AND-RUN NG SUV SA NASUGBU, BATANGAS

Sugatan ang dalawang sakay sa motor matapos mabiktima ng hit-and-run sa Brgy. Lumbangan, Nasugbu, Batangas noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Nasugbu Municipal Police Station ang mga biktima na sina Christina Joy Lapitan, 35-anyos, driver ng motor at kasama nito sa motor na si Mario Lagriosola.

Sa report ng pulisya, bandang 9:40 ng umaga nitong Biyernes nang mag-report ang kapatid ng biktima na si Andrei Ermal Lapitan sa mga awtoridad ukol sa pangyayaring hit-and-run.

Ayon sa ulat ng Nasugbu MPS, habang nilalakbay ng mga biktima ang highway ng Brgy. Lumabangan nang mabangga sila ng isang SUV.

Nagtamo ng sugat sa ulo at pasa sa buong katawan si Christina habang sugatan din si Mario Lagriosola.

Natukoy ng pulisya na nakapangalan ang naturang SUV kay Orlando Manuzon Daus, residente ng Garden Grove St. Belair 2, Sta. Rosa, Laguna.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang paghahanap sa naturang suspek at bukas ang dalawang panig sa possible amicable settlement. | BChannel News

About Author