
Kinumpirma ng ABS-CBN ang paglilipat ng kanilang longest-running noontime show na ‘It’s Showtime” mula sa TV5 sa GMA network owned, GTV (Good Television) noong Martes, ika-20 ng Hunyo.
Lubos ang pasasalamat ng Kapamilya Network sa suportang ibinigay ng TV5 Chairman na si Manny Pangilinan sa ‘It’s Showtime’ at sa kanilang content partnership na maghahatid ng programa sa marami pang manonood.
Ang paglilipat na ito ay naganap dahil sa kasunduan ng TV5 at ang super trio at main hosts ng programang ‘Eat Bulaga’ na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na kamakailan lamang ay namaalam na sa GMA-7 blocktimer TAPE Inc.
Magsisimulang umere ang ‘It’s Showtime’ sa ika-1 ng Hulyo, mula Lunes hanggang Sabado tuwing 12 ng tanghali. Ngunit, sa kasalukuyan ay maaaring mapanood ang programa tuwing 12 ng tanghali sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at TV5.
“Maraming, maraming salamat sa mga manonood na nagmamahal at sumusuporta sa ‘It’s Showtime’ at sana ay patuloy kayong mapasaya ng aming programa.”, ayon pa sa pahayag. | FM Gesmundo, Balisong Channel News Intern