
Matagumpay na ginanap sa STEER Hub sa Batangas State University-The National Engineering University – Alangilan Campus ang Innovation Consortium South Luzon (ICONS) upang lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) at ilunsad ang exclusive business matching event dakong ala 1:00-5:00 P.M. nitong Biyernes Hunyo 23, 2023.

Ang mga startups ay nagpresent ng kanilang innovative ideas, products at mga services sa mga stakeholders para makakuha sa kanila ng suporta at gabay sa kanilang entrepreneur goals.

Pinagsama-sama ng ICONS South Luzon ang siyam na Technology Business Incubators (TBIs) sa CALABARZON, kabilang ang BatStateU Center for Technopreneurship and Innovation, University of the Philippines – Los Baños Sibol Labs, De La Salle State University Animo Labs, Brainsparks of First Asia Institute of Technology and Humanities, University of Batangas Center for Business and Innovation, De La Salle Lipa Nexus Labs, DOST-Forest Products Research and Development Institute (FPRDI), Laguna State Polytechnic University ATBI, at Cavite State University ATBI, na nakipag-collaborate at sumuporta sa paglago ng mga startups ecosystem sa loob ng nasabing rehiyon.





Pinangunahan ni BSU-TNEU President Dr. Tirso A. Ronquillo, ang naturang programa kasama sina DOST 4A Regional Director Emelita Bagsit, DTI 4A OIC Regional Director Marissa Argente, DICT 4A Regional Director Cheryl Ortega, at Project Leader – ICONS South Luzon Engr. Albertson Amante. | BChannel News