Sugatan ang dalawang driver matapos magsalpukan ang kanilang motorsiklo pasado alas-12 ng madaling araw nitong Linggo sa Brgy. Balisong, Taal, Batangas.
Kinilala ang driver ng isang motorsiklo na si John Robert Cabile, 21-anyos, residente ng Brgy, Mahabang Ludlod, Taal, Batangas habang ang isang driver naman ay si Vladimir Landicho, 21-anyos rin at residente naman ng Brgy, Tambo Ilaya, Sta. Teresita, Batangas.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasalpok ng sinasakyan ni John Robert ang ride side portion ng sasakyan ni Vladimir na syang nagresulta ng pinsala sa kani-kanilang mga motor at injury sa mga nasabing driver.
Agad namang naitakbo sa ospital ang mga driver para sa agarang lunas. | A.J. Bayani, BChannel News