Nasawi ang rider ng motorsiklo matapos itong bumangga sa likod ng pick up truck bandang alas-dos ng hapon nitong Linggo sa Brgy. Sambat, Balayan, Batangas.
Kinilala ang driver ng pick up truck na si Dennis Mariano, at ang driver naman ng motorsiklo ay si Kenneth James Mendoza na residente naman ng Brgy. Balibago, Bungahan, Lian, Batangas.
Ayon sa imbestigasyon ng Balayan Police, tinatahak ng pick up truck ang hi-way na daan papuntang Brgy. Caloocan nang umovertake ito sa isang tricycle sa bandang kanang bahagi ng kalsada at dito na ito nabangga ng motor na nasa likod lang pala ng pick up truck.
Nagresulta ang paglipat ng linya ng pick up truck dahilan kaya ito nabangga ng motorsiklo at nawalan ng kontrol ang driver nito.
Nadala naman kaagad ang driver ng motorsiklo ngunit pagdating nito sa hospital ay idineklarang dead on arrival. Posible naman pag-usapan ng dalwang panig ang naturang aksidente. | J.C Malabanan, BChannel News