Arestado ang apat na lalaki matapos pagtulungan na bugbugin ang isa pang lalaki pasado alas-8 ng gabi noong ika-13 ng Hulyo sa Purok 5, Brgy Santor, Tanauan City, Batangas.
Kinilala amg mga suspek na sina Rafael Lovina, 29-anyos, Marvin Javier, 24-anyos, Jonathan Carandang, 36-anyos, at si Russle Parale, 40-anyos, kapwa mga residente ng Brgy. Bagumbayan.
Ayon sa imbestigasyon ng Tanauan Police, bibili lang sana ang biktima ng pagkain sa isang canteen nang nagkaroon ng alitan sa pagitan nito at mga suspek na siya namang nag-udyok sa mga ito na pagtulungan na atakihin ang biktima.
Ayon sa salaysay ng biktima, paalis na umano siya sa pinangyarihan ng krimen nang sigawan pa siya ng isang suspek ng ” WALA AKONG PAKIALAM KAHIT PULIS PA ANG ANAK MO!!!” at patuloy na pa rin na pagbubugbugin, natigil na lamang daw ito nang may ilang concern citizens na umawat.
Nagtamo naman ng sugat ang biktima sa kaniyang ulo at iba’t ibang parte ng kaniyang katawan at agad na dinala sa ospital.
Nasa kamay na ng pulisya ang suspek habang nag-iintay pa ng isasampang kaso rito. | A. Bayani