fbpx

Senior Citizen, aresatdo matapos makitaan ng iligal na armas sa Taysan, Batangas

Arestado ang isang senior citizen na lalaki matapos itong makitaan ng hindi rehistradong baril habang nag-aaway sila ng kanyang asawa bandang alay 12 y medya ng gabi nitong Hulyo 13,2023 sa Brgy. Mabayabas, Taysan, Batangas

Kinilala ang suspek na si Crisanto Capalad, 84-anyos na residente ng naturang lugar.

Ayon sa Taysan MPS, habang nagtatalo ang suspek at asawa nito nang makita ng sarili nilang anak na may hawak na baril ang kanyang tatay.

Agad namang ini-report ng anak sa police station ang pangyayari at agad nirespondehan ng mga awtoridad na agad nakuha ang naturang armas na siyang hawak pa din ng suspek.

Isang 9mm pistol na may 5 bala ang nakumpiska sa suspek.

Nasa kustodiya na ang suspek para sa mas malalim pang imbestigasyon. | G. Acierto

About Author