fbpx

Alden Richards, bakit nga ba tago pagdating sa kanyang lovelife?

Kinumpirma ng aktor na si Alden Richards sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ interview nito na pribado ito pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

Ani nito, “Parang ayun nalang ‘yung pwede kong i-protect” at “I think that’s the only thing that I can save…” Ayon pa dito, boring daw umano ang kanyang lovelife sa kasalukuyan.

Upang maka-iwas sa mga katanungan tungkol sa kanyang lovelife sa naturang interview, ginamit itong oportunidad ng aktor upang bahagyang i-promote ang kanyang mga bagong projects.

Biro pa nito, “Dun nalang po tayo sa ibang bagay– movie!” Ngunit sa kabila nang pag-iwas ni Alden sa mga tanong patungkol sa kanyang buhay pag-ibig ay ibinahagi pa rin nito na mahirap para sa kanya ang ipaliwanag sa isang babae ang desisyon nito na itago sa publiko ang kanyang lovelife.

Natigilan naman si Alden nang tanungin ito ng host at interviewer na si Boy Abunda kung pipiliin nga ba nito ang kanyang career bago ang kanyang buhay pag-ibig. Hindi ito agad nakasagot at tila pinag-isipan ng mabuti ang kanyang magiging tugon. Inamin naman ni Alden na hindi madali para sa kanya ang sagutin ang katanungan na iyon. Ngunit ayon dito, kung sakaling dumating siya sa puntong kinahaharap niya ang gan’yong sitwasyon, baka hindi pa iyon ang tamang oras.

Saad pa nito, “I wouldn’t say that my career’s always right, but, maybe it’s not yet the right time for love.”

Ibinahagi rin ng aktor na hindi ito naghahanap ng love sa ngayon. Ayon sa kanya, dumating na ito sa punto kung saan siya ay naghahanap ng pag-ibig. Ngunit ayon sa kanya, sa mga pagkakataong naghahanap siya, doon madalas hindi sumasang-ayon ang panahon.

Ani pa ni Richards, “Try nating ‘wag, baka may dumating.” | 📸 @gmanetwork/YouTube

About Author